CA, pinagtibay na ang pagkakatalaga kay Ambassador Teehankee bilang permanenteng kinatawan ng Pilipinas sa WTO

Nagkakaisang pinagtibay ngayon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Ambassador Manuel Antonio Teehankee bilang permanenteng kinatawan ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) sa Geneva, Switzerland.

Sa kabila ng ilang oposisyon sa appointment ni Teehankee nang itoy tinatalakay pa sa committee level, walang mambabatas na miyembro ng CA ang nag-object nang magkaroon ng mosyon para sa kanyang kumpirmasyon sa plenaryo.

Una rito, ang Geneva Forum for Philippine Concerns at ang Ugnayang Bayan, na parehong nakabase sa Geneva  ay pormal na nagparating sa komisyon ng kanilang pagtutol sa pagkakatalaga kay Teehankee nang dahil sa isang kaso na kanyang kinasasangkutan di-umano at ng kanyang employer noong taong 2005.

Maging si Senator Risa Hontiveros ay nagsabi na kung nagkaroon ng secret balloting  sa kumpirmasyon ni Teehankee, siya’y boboto ng kontra sa kumpirmasyon ng Ambassador bilang pakikiisa sa pagtutol ng Geneva Forum for Philippine Concerns laban sa nominee. | via Jojo Ismael

Photo courtesy: http://bit.ly/2IHaXBY