Buwan ng Abril, ideneklara bilang “Filipino Food Month”

Ideneklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang buwan ng Abril bilang “Buwan ng Kalutong Pilipino” o Filipino Food Month.
Sa bisa ng Proclamation No. 469, tinatakda ng Pangulong Rodrigo Duterte ang buwan ng April kada taon bilang “Food Month’ ng bansa na layong kilalanin ang mayabong na culinary tradition ng bansa.
Ito rin ay bilang suporta sa iba’t-ibang industriya, mga magsasaka at agri-communities.
Panganganuhan ng Department of Agriculture (DA) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang susunod ng naturang selebrasyon at inaatasan ang lahat ng sangay ng pamahalaan na makiisa sa mga aktibidad nito.  | via Nimfa Mae Asuncion