Buong board at management ng Nayong Pilipino, ipinasisibak ng Pangulo

Pinasisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong board at management ng Nayong Pilipino.

Sa paglalarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque, galit ang Pangulo dahil sa aniya’y masyadong pagkakadehado ng pamahalaan sa kontrata nito sa Nayong Pilipino.

Katawa-tawa aniya ang pinasok na kontrata na 70-taon na napakalinaw aniyang disadvantegous sa gobyerno.

Bukod dito ayon pa kay Roque ay pinapakansela na din ni Pangulong Duterte ang lease contract sa Nayong Pilipino.

Ilalabas ang termination papers nang mga sinibak na miyembro ng board at ng buong management ng Nayong Pilipino sa lalong madaling panahon ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.  | ulat ni Alvin Baltazar