Bulkang Taal, muli na namang bumuga ng usok

Muli na namang nagbuga ng puting usok ang Bulkang Taal ngayong umaga.

Naitala ang steaming activity na may taas ng hanggang 1,500 metro bago napadpad sa timog kanluran ng lawa.

Base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),
patuloy pa ring naoobserbahan sa bulkan ang volcanic gas upwelling sa main crater na lumilikha ng steaming activity, ang mataas na ibinubugang sulfur dioxide, panginginig ng bulkan, at ground deformation.

Mga parameters ito na minomonitor ng PHIVOLCS at hindi pa rin isinasantabi na magkaroon ng phreatic explosion.

Sa latest bulletin na inilabas ng PHIVOLCS ngayong umaga,
hindi nakapagtala ng volcanic earthquake ang bulkan sa nakalipas na 24-oras.