Bulkang Taal, mahigit isang linggo nang nananahimik sa mga pagyanig

May sampung araw nang hindi nagparamdam ng mga pagyanig o volcanic earthquake ang Taal Volcano sa Taal, Batangas

Gayunman, patuloy pa rin ang naitatalang low-level background tremor sa bulkan mula pa noong Abril 8.

Sa pinakahuling bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakitaan pa rin ng upwelling sa main crater ng Taal na lumikha ng plume na may taas na 2,000 metro.

Nagbuga din ito ng sulfur dioxide kahapon na may average na 3,884 tonnes kada araw.

Kaugnay nito, hindi pa rin inaalis ng Phivolcs ang posibilidad na magkaroon ng phreatic explosions sa bulkan.