Bulkang Mayon, muling pumutok ngayong umaga

Bandang alas-7:59 ngayong umaga, muling pumutok ang Bulkang  Mayon.

Ito ay “phreatic eruption”, na nagdala ng 500 metrong taas nang ash column mula sa tuktok ng bulkan, ang naturang abo ay kulay gray o grayish at bumagsak sa southwest portion ng bundok,sa mga bayan ng Daraga, Camalig at Guinobatan.

Sinabi ni Ginoong Christian Joseph Clarito ng Volcano Monitoring Unit, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Albay, normal ang ganitong aktibidad ng bulkan habang nakataas ang alert level 2, katunayan naka-tatlo ng phreatic explosion ito ngayong buwan ng Nobyembre.

Ang ganitong uri ng pagputok sa Mayon ay tinatawag na steam driven.

Aniya, asahan na  ang ganitong aktibidad sa Mayon, at pinapayuhan ang publiko na iwasan ang 6 PDZ sa paligid ng bulkan para maiwasan ang panganib. | ulat ni Nancy Mediavillo – Radyo Pilipinas Albay