Bulkang Bulusan sa Sorsogon, bahagyang humupa ang pag-aalburoto — PHIVOLCS

Dalawang araw nang nanahimik sa pag-aalburoto ang Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito’y mula ng itaas sa Alert Level 1 ang status ng bulkan noong May 11 ngayong taon nang muling magpakita ito ng abnormalidad.

Gayunman, pinapayuhan pa rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at local government units ang publiko na iwasan ang pagpasok sa four kilometer permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

Noong May 11, nagparamdam ng 124 volcanic earthquake ang Mt. Bulusan, dahilan para itaas ng PHIVOLCS ang alert level status nito.

Nasundan pa ito ng 166 na mga pagyanig ng sumunod na araw hanggang mangilan-ngilan na lamang hanggang noong May 16.

October 20 noong nakalipas na taon nang ibaba sa zero level ang status nito ng tuluyan nang tumigil ito sa pag-aalburoto.