Bukod sa Mayor, ilan sa mga nasa elected post maaaring mapaghinalaan sa Batocabe slay case – PRRD

Ilang mga nasa elected post ang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng mapaghinalaan kaugnay ng nangyaring pagpaslang nitong nagdaang Sabado kay AKO Bicol partylist Representative Rodel Batocabe.

Ayon sa Presidente, ilan sa mga maaaring mapaghinalaan na may kinalaman sa kaso ng pagpatay ay ang alkalde, gobernador o ang barangay captain.

Pero paglilinaw ng Chief Executive, ito ay kung titingnan ang anggulo na politically motivated ang nangyaring pagpaslang sa partylist representative.

Sa gitna naman ng malakas na paniniwala ng mismong asawa ng napaslang na kongresista na dawit ang Mayor sa slay case inihayag ng Punong ehekutibo, na ito ay tiyak na tatalunin ng sinumang magiging substitute ng napaslang na mambabatas.

Una ng inihayag ng anak ng kongresista na si Atty. Justin, na isa sa mga Batocabe ang tiyak na tatakbo sa 2019 elections, ngunit wala pang pinal na pasiya ang pamilya kung sino ang patatakbuhin. | ulat ni Alvin Baltazar