BuCor Chief Faeldon, itinanggi na lalaya ang mga akusado sa pagpatay sa magkapatid na Chiong

Mariing pinabulaanan ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon ang umano’y release order sa paglaya ng tatlong inmates na convicted sa panggagahasa at pagpatay sa magkapatid na Chiong.

Ayon kay Faeldon, wala siyang pinirmahan na release order para sa paglaya ng tatlong inmates na sina Rowen Adlawan, Ariel Balansag at Alberto CaƱo na responsable sa krimen.

Matatandaang dinukot at ginahasa bago pinatay ang magkapatid na sina Marijoy at Jacqueline Chiong noong taong 1997 sa Cebu kung saan natagpuan ang bangkay ni Marijoy sa bangin.

Ikinabahala naman ng pamilya ng mga biktima ang napabalitang nakaambang paglaya ng mga suspek kung saan nahatulan ng habangbuhay ng pagkabilanggo sa loob ng New Bilibid Prison.