Bubble training, inilunsad ng PNP

Hindi apektado ng pandemya ang pagsasanay ng mga pulis.

Ayon kay dating Philippine National Police (PNP) Spokesperson at ngayo’y PNP Training Service Director Brigadier General Bernard Banac, nagpatupad sila ng “bubble training” para sa iba’t ibang training course ng PNP.

Paliwanag ni Banac, ang training ay tumatagal ng 60 araw kung saan ang mga instructor at mga estudyante ay naka-isolate sa isang grupo sa panahong ito.

Bago aniya magsimula ang training, ay sinisuguro na ang lahat ng participant at instructors ay negatibo sa COVID-19.

Si Banac ay isa sa mga opisyal na pumila sa Multi-Purpose Center ng Camp Crame para magpaturok ngayong umaga kasabay ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga tauhan ng PNP na kabilang sa A4 priority group.