BSP, maglalabas ng P20 na barya sa Disyembre

Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglalabas ito ng 20 pesos na barya sa Disyembre.

Ito ay matapos madiskubre sa isang pag-aaral ng University of the Philippines (UP) na mabilis na nasisira at pinapalitan ang bente pesos na papel dahil sa ito ay ang pinaka-ginagamit na pera sa mga transaksyon sa bansa.

Kaya ayon sa BSP, mas cost efficient ang pagproduce ng baryang bente pesos kesa sa papel na bente pesos.

Inaasahang ipapakita ng BSP ang larawan o itsura ng bente pesos na barya sa Disyembre.

Siniguro naman ng BSP, na madaling makikilatis ang pagkakaiba ng bente pesos na barya sa mga kasalukuyang mga barya sa bansa. Dagdag pa ng ahensya, sa oras na simulan ng ikalat sa bansa ang bente pesos na barya ay unti-unti na ring mawawala sa sirkulasyon ang benteng papel.

Ibinalita rin ng BSP, na maglalabas ito ng bagong disensyo ng limang piso na mas malayo ang disenyo sa ibang barya.