Broadcasters sa Albay, nagsama-sama ngayong araw sa pangunguna ng KBP

Mga mamahayag sa Albay  na kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP), muling nagsama-sama para sa makabuluhang aktibidad ngayong araw.

Sinabi ni Albay KBP Chairman Edison Bordeos   ang  okasyon ay sinimulan ng banal na misa at  sinundan  ng motorcade.

Susundan naman ito ng  Oplan Broadcastreeing sa Brgy. Bagong Abre, sa Lungsod  ng Legazpi, kung saan taon- taon nagtatanim ng punong-kahoy ang mga  kasapi ng KBP sa buong Albay.

Sinabi ni Bordeos,  na ang mga announcer ay hindi lamang  magaling sa salita kundi sa gawa. Dagdag pa niya, kailangang lumahok ang lahat para mapangalagaan ang ating kapaligiran.

Ang final activity naman ay ang friendship Sports Fest,  kung saan taunang ginaganap ang basketball games ng mga koponan ng KBP Albay, na ang bawat team ay hinati sa iba’t ibang kulay.

Binigyan diin din ni Bordeos, na minsan magkakasalungat sa mga usapin  sa lalawigan at bansa, subalit sa ngalan ng samahan sa organisasyon  nagkakaisa ang mga brodkaster sa lalawigan. | ulat ni Nancy Mediavillo