BREAKING | Pres. Xi ng China, nanindigang hindi kinikilala ang desisyon ng Arbitral Court Ruling

Nagmatigas si Chinese President Xi Jinping na hindi nila kinikilala ang Arbitral Ruling na pumapabor sa Pilipinas hinggil sa claim nito sa West Philippine Sea.

Ginawa ni Xi ang muling pagmamatigas sa kanilang naging paghaharap kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bilateral meeting.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, iginiit naman ng Pangulo ang tagumpay at karapatan ng Pilipinas sa nabanggit na teritoryo.

Sabi aniya ng Pangulo, pinal na ang desisyon ng Court of Arbitral Ruling sa The Hague at hindi na maaari pang iapela.

Ganunpaman, negatibo ang tugon dito ng lider ng China na nagsabing hindi nire- recognize ng kanilang pamahalaan ang naturang pasiya ng Arbitral Court.