Bong Go, ipinauubaya na sa karma ang nagpakalat ng fake news na siya’y nag-crash land sa Albay kaninang umaga

Karma na ang bahalang gumanti sa mga nagpakalat ng balitang nag-crash land si dating Special Assistant to the President Bong Go.

Kaninang umaga kumalat ang balita sa pamamagitan ng tweeter post ng GovPH.

Ayon kay dating dating SAP Go, karma na ang bahalang bumuwelta sa mga nagpakalat ng aniya’y fake news at nagdarasal na siya’y mamatay na.

Pero binigyang-diin ni Go na hindi siya takot mamatay at walang anumang makapipigil sa kanya upang ipagpatuloy ang pagseserbisyo-publiko.

Wala aniya siyang magagawa kung may mga nais na siya’y sumakabilang buhay na pero gaya aniya ng laging sinasabi ng Pangulong Duterte, kapag oras mo na, oras mo na.

7:51 ng umaga nang ipinost ng GovPH ang tinaguriang breaking news na nagsasabing: AFP chopper na sakay si Bong Go, nag-crash land sa Albay.

Sinagot naman ni dating SAP chief ang nasabing anti-Duterte group post ng: Now, I am the ghost of Bong Go.  | ulat ni Alvin Baltazar