BOL Plebiscite, generally peaceful — PNP Chief 

Generally peaceful ang pagdaraos ng Bangsamoro Organic Law  (BOL) Plebiscite kahapon.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa pagtatapos ng botohan kahapon ng alas-3 ng hapon.

Ayon sa PNP chief, naging “smooth” ang botohan simula sa pagbubukas ng polling centers ng alas-7:00 ng umaga at walang major untoward incident sa maghapon.

Nagkaroon lang aniya ng isolated report ng “disruption” sa Cotabato City kung saan 10 indibiduwal ang umano’y nagpumilit maglagay ng boto sa 317 ballots sa Barangay Bubong, na mabilis na naaksyunan ng Monitoring and Action Center of Cotabato City.

Bukod dito, may isang indibiduwal din na inaresto ang mga tauhan ng Balabagan Municipal Police Station at ng Philippine Army 6th Infantry Battalion sa Balabagan Central Elementary School Polling Center sa Brgy. Banago, Balabagan Lanao del Sur, dahil sa pagdadala ng isang fully-loaded cal 45 pistol na walang kaukulang pahintulot sa Commission on Elections (COMELEC).

Ang suspek na kinilalang si Ibrahim Manpod Sampiano, ay napag-alamang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Inner Guard 2nd Brigade.  | ulat ni Leo Sarne