Bokalista ng bandang IV of Spades, umalis na sa grupo

Inanunsyo ng bandang IV of Spades ang tuluyang pagkalas sa grupo ng bokalista nito na si Unique Salonga.

Nakilala ang young indie rock band dahil sa pop-funk tunes at fashion style nito na hawig sa dekada sitenta.

Sa social media post ng grupo, nagpahayag ng pagkagulat, lungkot at pagkadismaya ang kanilang mga fans.

Nagpasalamat naman ang natitirang miyembro na sina Badjao De Castro, Blaster Silonga at Zild Benitez sa kanilang mga taga-suporta at tiniyak na ipagpapatuloy pa rin nila ang paglikha ng musika. | via Eunice Langcauon

Photo courtesy: https://mobile.twitter.com/lqspades