Boao Forum, gagamiting pagkakataon ni Pangulong Duterte para maisulong ang interes ng bansa

Pagkakataon para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang pagdalo nito sa Boao Forum Asia, upang maisulong ang interes ng bansa at ng mga Pilipino.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Manuel Teehankee, tiyak na magiging aktibo ang Presidente sa gagawing Boao forum bukas sa paraang mailatag nito sa kanyang mga counterpart ang bisyon ng kanyang Administrasyon para sa isang maunlad na Pilipinas.

Napakahalaga ayon kay Teehankee ang magiging papel na ito ng Chief Executive, lalo’t mataas ang pagkilala ng ASEAN Region sa ipinapakitang liderato ng Pangulong Duterte

Ang nais aniya ng Pangulo ay matiyak nitong hindi mapag-iiwanan ang Pilipinas sa nagpapatuloy na mabilis na pag-unlad ng mga kasamang bansa nito sa Asya.

Tema ng forum ay ang “An Open and Innovative Asia for a World of Greater Prosperity,” na gagawin sa Hainan Province sa China. | via Alvin Baltazar