Biyahe ng MRT Line 3 simula kaninang madaling araw naging maayos pa — MRT Management

Napapanatili na ng Metro Rail Transit Line-3 Management ang operasyon ng 16 na tren hanggang kaninang alas -6:00 ng umaga.

Bukod dito, nabawasan pa ang oras o limang minuto na lamang ang paghihintay ng mga pasahero sa bawat istasyon bago sila makasakay sa susunod na biyahe ng tren.

Kaugnay nito, target na ng MRT3 Management na gawing 20 ang operational train na may tig-tatlong bagon na bahagi ng ‘Phase 2’ ng kanilang Train Restoration and Commissioning Program.

Pinaplano rin ng pamunuan ng tren sa ‘Phase 3’ ng programa na pataasin pa ang kanilang kapasidad sa 25 tren na may tig-apat na bagon upang lalo pang mapagsilbihan ng mabuti ang mga commuters.

Batay sa datos noong August 2012, umabot sa mahigit 620,000 ang ‘actual ridership’ sa MRT-3, subalit dahil sa kapos ang biyahe ng mga tren nangyayari ang mahabang pila at matagal na oras ng pag-hihintay. | via Rey Ferrer