Biyahe ng mga barko sa Bicol region, balik operasyon na — PCG

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo, umaasa ang PCG na mababawasan na ang mga stranded na mga pasahero at sasakyan sa pantalan ng Matnog.

Maging ang mga nag-shelter na mga barko ay maaari nang makabiyahe lahat ayon kay Balilo.

Matatandaang umabot sa libo-libong pasahero at ilang mga sasakyan, ang hindi pa pinayagang makapaglayag dahil na rin sa banta ng bagyo.

Nasa 40 mga pantalan din sa bansa ang apektado ng bagyo.