Biro ng Pangulong Duterte sa kanyang mga talumpati, madali namang malaman

Nagpaalala ang Palasyo ng Malacañang sa publiko kaugnay sa mga banat na biro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga talumpati.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, madali namang malaman kung nagbibiro ang Pangulo.

Kapag tumawa aniya ang audience, tiyak na biro ang kanyang sinasabi.

Payo pa ni Panelo, gamitin na lamang ang sentido kumon. Dapat din aniyang masanay ang publiko dahil yun ang kanyang style, ang palabiro palagi.

Matatandaang sinabi kahapon ng Pangulong Duterte na siya’y gumamit ng marijuana para manatiling gising dahil sa dami ng kanyang schedule noong ASEAN.

Subalit agad din nitong nilinaw na siya’y nagbibiro lamang.  | ulat ni Alvin Baltazar