BIR, tiniyak ang pakikipagtulungan sa PACC at ARTA sa paglaban sa korapsyon

Handang makipagtulungan sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Anti-Red Tape Authority (ARTA), ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagsugpo sa korapsyon.

Pahayag ito ni BIR Commissioner Caesar Dulay, sa ginanap na oathtaking ng mga miyembro ng BIR-Committee on Anti-Red Tape at pagpirma sa manifesto, na sumusuporta sa “PROJECT KASANGGA: Tokhang Laban sa Korapsyon at Red-Tape ng PACC at ARTA.”

Kauna-unahan ang ahensiya ng BIR, na nanumpa at pangatlong ahensiya sunod sa Department of Public Works and Highways (DPWH), at Bureau of Custom na pumirma sa Pledge of Cooperation.

Ang Project Kasangga ay naglalayong tumugon sa panawagan ni Pangulong Duterte na alisin ang katiwalian sa gobyerno.