Bilateral relationship ng Pilipinas at Kuwait, tuloy lang ayon sa Palasyo

Tuloy lang ang bilateral relationship sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa, dahil sa viral video ng ginawang pagtulong sa mga distressed overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.

Sabi ni Roque, moving forward na dapat ang mode sa harap ng anumang hindi pagkakaunawaang namagitan sa hanay ng  Pilipinas at Kuwait, na naghain ng diplomatic protest.

Naniniwala si Roque, na mareresolba ang isyu at kung anuman aniya ang nangyari ay maaayos din.

Kagabi ay nagpulong sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at  Kuwaiti Ambassador to the Philippine Saleh Ahmad Althwaikh  sa Presidential Guest House sa Panacan Davao City. | via Alvin Baltazar