Bilang ng tren ng MRT3 na operational, nadagdagan pa ngayong araw — MRT Management

May 11 tren na ng Metro Rail Transit 3 ang gumagana sa kasalukuyan at napapakinabangan ngayon ng mga commuters.

Mula alas-8:25 kaninang umaga, napabilis ng walong minuto ang pag aantay ng susunod na tren bunga ng dagdag na gumaganang tren.

Noong Enero 29 huling nakapag-roll out ng 11 tren sa mainline mula sa dating anim na tren na operational.

Ang Bahagyang ginhawa sa binubunong kalbaryo sa serbisyo ng MRT 3 ay bunga ng naideliver na mga kinakailangan na spare parts.

Gayunman, malayo pa rin ito sa 15 trains na kinakailangan para maserbisyuhan ang nasa 300,000 commuters na umaasa sa pagsakay sa tren. | via Rey Ferrer