Bilang ng nabakunahan vs COVID-19 sa Pateros, nasa 6,000 pa lamang

Umaasa ang lokal na pamahalaan ng Pateros na tataas pa ang bilang ng mga residenteng magpapabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce, nasa anim na libo pa lamang ang kanilang nababakunahan kahit pa walumpung porsyento ng mga residente ang handang magpabakuna base sa ginawang survey.

30 percent sa mga nagparehistro ang naturukan ng bakunang gawa ng Chinese firm na Sinovac.

Ipinaliwanag ni Ponce na karamihan sa mga residente ay namimili ng bakunang ituturok sa kanila.

Bukod sa natitirang isanlibong doses ng Sinovac, 1,200 doses ng Pfizer at 7,200 doses ng AstraZeneca ang nakatakdang ihatid sa bayan ng Pateros.

321 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa munisipalidad.