Bilang ng nabakunahan kontra COVID-19 sa Navotas, halos 11,000 na

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Navotas na umabot na sa halos 11,000 ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, 10,981 ang bilang ng nabakunahan na ng first dose ng COVID-19 vaccines habang nasa 866 naman ang nakatanggap na ng second dose ng bakuna.

Dagdag pa ng alkalde, sa kabuuang bilang ng nabakunahan, wala aniyang nakaramdaman ng malalang side effect ng bakuna.

Samantala, inihayag rin ng lokal na pamahalaan na maliban sa ipinatutupad na walk-in system ay magkakaroon na rin ng appointment system ang lungsod sa pagpapabakuna.

Kailangan lamang i-fill up ng mga nais magpabakuna ang appointment form online kung saan maaaring mamili ng araw at oras na nais mabakunahan.