Bilang ng mga senior citizen na nabakunahan na sa bansa, malayo pa rin sa target ng gobyerno ayon sa DOH

Sa ginanap na Town Hall meeting, iniulat ni Dr. Nina Casino Carandang, miyembro ng Department of Health (DOH) Technical Advisory Group, na halos 8.3 million na mga matatanda sa Pilipinas ang target na mabakunahan.

Pero sa latest data, nasa 2.4 million o 29% pa lamang ang naturukan ng 1st dose ng bakuna, habang nasa 736,000 o 8.9% pa lang ang nakakumpleto na ng bakuna.

Ang naturang bilang ay malayo pa aniya sa target ng gobyerno na pagbabakuna sa mga senior citizen o A-2 category.

Ani Dr. Carandang, ito ang dahilan kaya umaapela ang DOH sa mga senior citizen na hindi pa nagpapabakuna na magparehistro at magpabakuna na para maging ganap ang kanilang proteksyon.

Base sa datos, mahigit sa 196,000 na mga senior citizen ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa ay katumbas na 8.26% ang mga namatay at 87.7% naman ang mga gumaling.