Bilang ng mga Pilipinong nakakumpleto na ng bakuna, umabot na sa halos 1.3 million

Nasa 1,293,750 na ng mga Pinoy ang nakapagpaturok na ng dalawang doses ng bakuna.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa nabanggit na bilang ng mga kumpleto nang nabakunahan, 713,429 ay mga  medical frontliners.

Nasa 274,940 naman ay ang mga nasa A2 category o mga senior citizen habang 301,716 naman ang nasa grupo ng  persons with comorbidities.

Sa kabilang dako’y nasa mahigit walong milyong doses na ng bakuna ang dumating sa bansa.  Mula dito ay nasa 5,383,172 doses  na ng vaccine ang nagamit hanggang nitong nagdaang Martes.