Bilang ng mga nawalan ng trabaho, bahagyang nabawasan

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho batay sa March 2021 Labor Force survey, na inilabas ng Philippine Statistic Authority (PSA). 

Ayon kay Usec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, naitala ang mababang unemployment rate sa 3.44 million o 7.1 percent. 

Mas mababa ito kumpara sa unemployment rate na naitala noong February 2021 Labor Survey, na nasa 4.19 million o 8.8 percent.

Ito na umano ang naitala na pinakamababang unemployment rate simula noong April 2020. 

Gayunman, nilinaw ni Mapa na isinagawa ang Labor Force Survey bago ipatupad ang enhanced community quarantine.

Sigurado raw na posibleng magkaroon ng pagbabago sa mga data, kasunod ng pagsasailalim sa ECQ noong April 2021.