Bilang ng mga miyembro ng gabinete na magbibitiw, posibleng madagdagan pa

Isa pang miymebro ng gabinete ang maaaring magbitiw sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, na una nang nagsabing nasa anim hanggang walong cabinet members ang inaasahang magbibitiw dahil tatakbo sa susunod na taong eleksiyon.

Kaya mula sa dating anim hanggang walo, ay posibleng umakyat na sa anim hanggang siyam ang mga miyembro ng gabinete na mawawala sa Duterte team dahil sa inaasahang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Gayunman, hindi na tinukoy ni Andanar kung sinong cabinet member ang magbibitiw sa puwesto.

Mas makabubuti aniyang hintayin na lamang ang filing ng Certificate of Candidacy na magsisimula na sa Ocotber 11.

Una rito, sinabi ni Andanar na anim hanggang sa walong miyembro ng gabinete ang maaaring sumabak sa nalalapit na eleksyon. | ulat ni Alvin Baltazar