Bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, bahagyang bumaba ang bilang ayon sa DOH

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Western Visayas kahapon.

Base sa case bulletin ng DOH Region 6, nasa 446 na mga bagong kaso ang nadagdag kahapon.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming bagong kaso ang Negros Occidental na may 152 cases, Iloilo na may 97 cases, Bacolod City 60 cases, Aklan 54 cases, Antique 4 na kaso at Guimaras na may nag-iisang kaso.

Dahil dyan ay mahigit 56,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayon sa Western Visayas kung saan mahigpit 16,000 ang nasa aktibong kaso.