Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela, umabot na sa 95

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na umabot na sa 95 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng may COVID-19 sa lungsod.

Sa pinakahuling tala ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng Valenzuela kaninang alas-11:00 ng umaga, isang 49 anyos na lalaking frontliner ang nagpositibo sa COVID-19.

Nasa 12 naman ang bilang ng gumaling sa virus habang anim na ang nasawi sa lungsod.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng contact tracing ang lokal na pamahalaan upang malaman kung sino ang mga nakasalamuha ng nagpositibong frontliner.