Bilang ng COVID-19 cases sa BuCor, 451 na

Umabot na sa 451 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Bureau of Corrections (BuCor).

Batay sa COVID-19 Daily Monitoring Report ng BuCor nitong Lunes, tatlo ang nadagdag sa kaso ng virus kung saan 30 na ang kabuuang active cases at 395 ang recoveries.

Mula sa persons deprived of liberty na may COVID-19, 192 ay nakapiit sa New Bilibid Prison habang 100 ay mula sa Correctional Institute for Women.

Dalawampu’t anim na inmates ang namatay sa COVID-19 at 251 ang gumaling na.

Samantala, sa panig ng BuCor personnel ay 159 ang kabuuang kaso ngunit 144 na ang naitalang recoveries.

Mababatid na nagpositibo rin sa virus sina BuCor Director General Gerald Bantag at Spokesperson Gabriel Chaclag.