Bilang ng COVID-19 active cases sa NCMH, bumaba

Malaki na ang ibinaba ng bilang ng COVID-19 active cases sa National Center for Mental Health (NCMH).

Base sa tala ng Mandaluyong City Health Department, mula sa 111 COVID cases noong April 30, ay bumaba na sa 65 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 na patuloy na binabantayan sa NCMH.

Nadagdagan naman ng 45 ang naka-recover na pasyente sa NCMH, na 863 na ang kabuuang bilang ng recoveries.

Samantala, bahagya na ring bumubuti sa pangkalahatan ang covid situation sa Lungsod ng Mandaluyong.

Patuloy na mas mataas ang naitatala nitong recoveries kumpara sa mga new covid cases.

Nitong May 2, ay nasa 1,215 ang COVID-19 active cases na binabantayan sa Mandaluyong, habang nasa 12,255 na ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng naka-recover.