Bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa QC, mababa na sa 15

Bumaba pa sa 15 ang naitatalang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 bawat araw sa lungsod Quezon.

Batay ito sa December 20 na datos ng Department of Health at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Pansin din ang muling pagbaba sa 0.83% ang positivity rate ng lungsod na mas mababa na sa pamantayan ng World Health Organization na 5%.

Nasa 0.36 naman ang reproduction number o RO ng Quezon City mula sa 0.34 noong nakaraang linggo.

Samantala, hanggang kahapon nasa 179 na lang ang COVID-19 active cases sa lungsod.

Ito’y mula sa kabuuang 180,450 na kumpirmadong nagpositibo sa virus.