Bilang ng bagong COVID active cases sa QC, lagpas 7,000 na

Mula Agosto 15 hanggang kahapon, nadagdagan pa ng
597 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa ulat ng City Epidemiology and Disease Surviellance Unit bumulusok na sa 7,569 ang active COVID cases sa lungsod mula sa kabuuang bilang na 117,476 na nagpositibo sa virus.

Ang Barangay Bahay Toro ang may pinakamaraming infected ng COVID-19 sa District 1 habang ang Barangay Batasan Hills, Holy Spirit, Commonwealth, Bagong Silangan at Payatas sa District 2.

Ang Barangay Socorro at Matandang Balara naman sa District 3, Barangay Pinyahan, Bagong Lipunan ng Crame sa District 4 .

Nangunguna din sa District 5 na may pinakamaraming active cases ang Barangay Bagbag,
Fairview, Gulod, Kaligayahan,
North Fairview at San Bartolome, Barangay Culiat, Pasong Tamo, Talipapa, at Tandang Sora sa District 6.