Bike lanes at bollards, idinisenyo sa Taguig City para sa World Bike Day

Muling hinimok ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig ang mga residente, na gumamit na ng bisikleta sa halip na magsasakyan na nakatutulong para mabawasan ang transmission ng COVID-19.

Sa paggunita ng World Bike Day, ay nagtayo ang city government ng bagong bollards at bike lanes para matiyak ang kaligtasan ng mga siklista.

Ang bagong set ng bollards ay itinalaga sa Cayetano Boulevard, habang ang pop-up bike lanes ay idinisenyo sa Lawton Avenue na tatagal nang dalawang linggo.

Kamakailan ay ipinasa ang “Bike-Friendly Taguig Ordinance,” upang itaguyod ang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibisikleta.

Bahagi rin ng programa at inisyatiba ng lungsod, ang distribusyon ng bisikleta sa healthcare workers.

Siniguro naman ng local government sa mga siklista, na patuloy itong gagawa ng hakbang para gawing bike-friendly ang mga kalsada sa Taguig.