Bike lane project sa buong bansa, nasa 65.13% ng kumpleto — DOTr

Nasa 65.13% na ng kabuuang 540 kilometer bike lane na inilatag sa National Capital Region (NCR), Metro Cebu, at Metro Davao ang natatapos ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Steve Pastor, dito sa NCR ay aabot sa 340 kilometers ang bike lane project, na target na matapos sa katapusan ng buwan ng June.

Ang bike lane project naman sa Cebu ay halos 138 kilometers, habang halos 60 kilometers sa Davao na kapwa inaasahang matatapos sa June 15.

Sinabi ng opisyal, na nasa higit P1 billion ang pondo para sa bike lane network project sa ilalim ng Bayanihan 2.

Inaprubahan naman ang isang mosyong magkaroon ng aktwal na inspeksyon sa proyekto ang mga kongresista, at masubukan ang naturang bike lanes.