Bigas ng Masa Tienda, unang hakbang daw para maalis na ang farm-to-market supply chain na kontrolado ng rice traders – ayon kay DA Sec. Manny Piñol

Bigas ng Masa Tienda, unang hakbang daw para maalis na ang farm-to-market supply chain na kontrolado ng rice traders – ayon kay DA Sec. Manny Piñol

Plano ng Department of Agriculture na ikalat sa bawat bayan sa buong bansa ang Bigas ng Masa TienDA na ipinatutupad ngayon sa Department of Agriculture sa Quezon City.

Layon nito na direktang maibenta ng mga magsasaka sa mga consumers ang mura at bagong bigas mula sa kanilang bukirin.

Sa pulong balitaan, tiniyak ni Agriculture Sec. Manny Piñol na aalalayan ng DA ang mga magsasaka upang makontrol nito ang kanilang operasyon sa bukirin – mula sa pag-aararo, pagtatanim, pag-aani, paggiling, pagpapakete at pagbebenta.

Dagdag pa ng kalihim, i-uugnay nito ang programa sa Land Bank of the Philippines, kung saan uupo siyang miyembro ng Board of Director.

Sa ganitong paraan aniya, mas madaling mapautang ng kapital ang mga grupo ng magsasaka at mabili ang produktong agrikultura ng kanilang miyembro.

Sinabi pa ni Piñol, na ito na ang unang hakbang para direktang pag-ugnayin ang mga magsasaka at consumers at matigil na ang nakaugalian at maamomalyang farm-to-market supply chain na kontrolado ng middlemen at rice traders. | via Rey Ferrer