Big time oil price rollback, inaasahan bukas

Sa ika-3 sunod na linggo, bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 11, 2019.

Ang Seaoil, Shell, at Petro Gazz, ay nagpalabas ng magkakahiwalay na abiso na ibababa nila ang sinigil sa gasolina ng P2.45 kada litro at P2.70 kada litro sa diesel.

Kakaltasan naman ng Seaoil at Shell ng P2.60 kada litro ang singil sa kerosene.

Ipapatupad ng Petro Gazz at Shell ang bawas singil alas-6 ng umaga, bukas (Martes), habangĀ alas-12:01 ng umaga naman ang Seaoil.

Una nang nagkaltas ng presyo nung Sabado ang Phoenix Petroleum.

Inaasahan na susunod din ang iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na presyo.

Ang oil price rollback ay dahil sa paglakas ng piso sa palitan laban sa dolyar nung Biyernes. | ulat ni Janet Bayan