Bentahan ng shabu sa Metro Manila, tumaas – PDEA

Mahal na ang bentahan ng shabu sa Metro Manila, mula sa dating P1,200 kada gramo naging P3,500 na kada kilo.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, ang pagtaas sa street value ng shabu ay resulta ng bumababang suplay nito bunsod ng pinaigting na pagbabantay sa pagpupuslit ng mga iligal na kontrabando.

Sa pagtaya ni Aquino, ubos na ang 1.6 tons ng shabu na naipuslit noon gamit ang mga
magnetic lifters.

Maliit pa aniya ang P3,500 kada gramo, dahil umaabot pa sa P6,800 kada gramo ang bentahan sa ibang lugar.

Pinakamahal pa rin ang bentahan sa Davao City na naglalaro mula P11,000 hanggang P15,000 kada gramo.

Ginawa ni Aquino ang pahayag matapos na magkasundo ang PDEA at Bureau of Custom (BoC) na mas palakasin pa ang kanilang partnership sa pagpigil sa pagpasok ng illegal drugs at controlled precursors and essential chemicals sa bansa.  | ulat ni Rey Ferrer