Benepisyo na naipamahagi ng DOTr at LTFRB sa mga PUV drivers, nasa P923.2 million na

Nasa Php 923.2 milyon na ang halaga ng pay-out ang naipamahagi ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga driver ng pampublikong sasakyan na kasali sa Service Contracting Program.

Kasama sa kabuuang halaga ng pay-out na naibigay sa bawat driver sa ilalim ng programa ang initial payout na Php 4,000, weekly pay-out, at one-time onboarding incentives.

Sa huling tala ng LTFRB, 14,837 drivers na ang nakakuha ng initial payout at 6,657 drivers naman ang nakatanggap na ng kanilang Php 25,000 at Php 20,000 onboarding incentives sa buong bansa.

Paalala ng LTFRB sa mga driver na huwag kalimutang mag log-in sa LTFRB Driver App tuwing namamasada para makakuha pa ng karagdagang weekly pay-out.