Benefit run para sa Pamanang Lingkod Bayani, isinagawa ng CSC

Isinagawa ngayong araw sa Quirino Grandstand sa Maynila ang Fun Run na inorganisa ng Civil Service Commission (CSC)

Ang fun run ay kick off activity para sa isang buwang selebrasyon ng Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) ngayong buwan ng Setyembre.

Layon ng event na makalikom ng pondo para sa Pamanang Lingkod Bayani, isang programa na magbibigay ng one-time financial assistance at scholarship opportunities para sa mga pamilyang naulila ng mga government worker habang nanunungkulan sa pamahalaan.

Layon din nito, na itaguyod ang malusog na pamumuhay, at nagsilbi ding lugar para makihalubilo sa mga kapwa public servant.

Pinasimulan ang event sa pamamagitan ng Zumba session at pre-run activities.

Nagsimula ang 10 kilometer category bandang alas-5 ng umaga kanina, na sinundan ng 5K at 3K category.

Ang fun run ay nagsimula at nagtapos din ang finish line sa Quirino Grandstand.

Dahil dito, isinara ang southbound at northbound lanes ng Roxas Boulevard, simula P. Burgos hanggang EDSA, mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-7 ng umaga.