Bed capacity para sa COVID patients sa Davao Region, sapat pa — DOH XI

Siniguro ni Dr. Annabelle Yumang, Regional Director ng Department of Health (DOH) XI, na sapat pa ang bed capacity para sa mga COVID-19 patients sa Region XI sa kabila ng pag-akyat ng kaso ng COVID sa rehiyon.

Inihayag ni Yumang, na nasa 527 pa ang available beds para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Inamin nito, na okupado na ang bed capacity ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, dahil isa itong pampublikong hospital.

Kaugnay nito, inatasan ang mga pribadong hospital ng Lungsod ng Davao, na maglaan ng 20 percent sa kanilang bed capacity para sa mga COVID patients.

Sa pinakahulingCOVID-19 bulletin ng DOH XI, nagtala ang Davao region kahapon ng 172 bagong kaso ng COVID-19.