Bayan ng Talisay sa Batangas, handa sa posibilidad ng muling pagputok ng Bulkang Taal

Inihayag ni Talisay Mayor Gerry Natanauan na nakahanda ang lungsod sa posibilidad ng muling pagputok ng Bulkang Taal kasunod ng patuloy na pagbubuga ng usok ng bulkan sa mga nakalipas na araw.

Ayon  kay Mayor Natanauan, nakahanda ang evacuation site sa Cavite at Sto. Stomas kung sakaling kailanganing ilikas ang mga residente.

Nakaposisyon rin ang mga warning system sa 21 barangay sa Talisay na papatunugin kung sakaling kailanganin lumikas ng mga tao.

Sa ngayon ay 24-oras ang monitoring ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan sa
Taal Lake kung saan pinapayagan lamang ang pangingisda sa umaga.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mahigpit na nitong imo-monitor ang aktibidad ng bulkan.

Hinihimok rin ng alkalde ang mga residente na maging kalmante at hintayin at maniwala lamang sa abiso ng lokal na pamahalaan ukol sa aktibidad ng Bulkang Taal.