Bayan ng Argao, Cebu ground zero, ayon sa alkalde nito

Ground zero. Ganito inilarawan ni Argao, Cebu Mayor Allan Sesaldo ang sitwasyon ng kanilang bayan sa ngayon.

Nasa 60% ng mga kabahayan at nasa 12,000 hanggang 15,000 pamilya ang apektado sa 20,000 pamilya nilang populasyon.

Ito na aniya ang pinakamalakas na bagyo na kanyang naranasan at tumama sa nakalipas na 30 taon.

Tumungo si Sesaldo sa tanggapan ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia didto sa lungsod ng Cebu upang magbigay ng ulat dahil na din wala pang linya ng komunikasyon sa bayan nila.

Nakapagtala sila ngayong umaga ng 2 nasawi, isang magsasaka at isang menor de edad na pawang nasa magkahiwalay na mountain barangay ng Talaga at Lengigon sa Argao.

Pahirapan ang pagsagip din sa isang napaulat na may sugatan dahil patuloy pa ang clearing operations sa mga liblib na barangay doon.

Nagpadala naman ng food packs si Garcia para maipamahagi sa bayan ng Argao.