Batas sa pagdiriwang ng Nat’l Campus Press Freedom day, nilagdaan ni PRRD

Ipagdiriwang tuwing Hulyo 25 ng bawat taon ang National Campus Press Freedom Day sa bansa.

Alinsunod ito sa Republic Act 11440, na pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Agosto 28, na dito’y kinikilala ang campus press bilang mahalagang institusyon sa pagtataguyod at pangangalaga ng karapatan sa pagpapahayag at freedom of the press sa Pilipinas.

Sa ilalim ng naturang batas, ay inaatasan ang lahat ng educational institutions na ipagkaloob ang suporta at tulong sa mga gagawing preparasyon ng taunang programa, at mga aktibidad ng mga mag-aaral para sa pagdiriwang ng National Campus Press Freedom Day.

Magiging epektibo ang RA 11440 matapos ang labing-limang araw na ito’y mailathala sa official publication.