Batas na layong mapabilis ang pagbibigay ng supply ng kuryente sa mga liblib na lugar, pirmado na ni Pangulong Duterte

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magsusulong sa paggamit ng microgrid system upang mapabilis ang pagbibigay ng supply ng kuryente sa buong bansa, partikular ang mga nasa liblib na lugar, o iyong walang supply ng kuryente o hirap makakuha ng supply nito.

Layon ng batas na maipagpatuloy ang pagpapaunlad sa rural areas at mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa, sa pamamagitan ng pagalapit sa publiko ng access sa eherhiya.

Sa ilalim ng Republic Act no. 11646, mabibigyan ng malinaw na avenue ang pribadong sektor sa kung papaano sila maaaring makibahagi sa pagbibigay ng supply ng kuryente sa mga lugar na walang access dito, walang distribution system lines, walang home power systems, o walang koneksyon sa anomang microgrid.

Layon rin ng batas na ito na padaliin ang pagpili sa microgrid service providers (MSPs).

Pirmado ni Pangulong Duterte ang batas, ika-21 ng Enero, 2022.