Batangas provincial government, todo na ang pangungumbensi sa mga residente na magpaturok ng COVID vaccine


Todo na ang ginagawang panghihikayat ng Batangas provincial government sa mamamayan nito na magpabakuna laban sa COVID-19.

Hindi umano nila dapat katakutan ang magpaturok ng bakuna sapagkat malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa sarili at pamilya kungdi pati sa kapwa.

Giit pa ng provincial government, ito lang ang paraan ngayon para mabigyan ng proteksyon ang sarili sa nakakahawang sakit.

Oportunidad na rin ito para malabanan ang pandemya at pagasa na makabalik sa normal na pamumuhay.

Ngayong taon umabot na sa 18,849 ang confirmed COVID cases sa buong Batangas 2,267 ang active cases at 699 ang mga pumanaw na.