Batangas Province, naglaan ng ₱60-M quick response fund sakaling mag-alburoto ang Taal Volcano

Inilatag na ng provincial government ng Batangas ang Batangas Province, naglaan ng ₱60-million pesos na quick response fund sakaling mag-alburoto ang Bulkang Taal.

Sinabi ni Mr. Joselito Castro, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Batangas, naka-stand by ang nabanggit na halaga upang agad may magagamit sa biglaang pangangailangan.

Kasama sa pondong ito ang paghahakot sa mga maapektuhang residente na sakop ng 14 kilometer radius zone ng bulkan.

May kanya-kanyang specific plan na rin daw ang bawat munisipyo ng lalawigan para sa agarang paglilikas.

Sakop ng quick response fund na ito ang pagbili ng relief packs, pagkain, gamot, at mobilization.

Nag-adopt na rin daw ang Cavite at Laguna ng sarili nilang paghahanda upang sambutin ang mga residente na malapit sa kanila sakaling pumutok ang Taal.

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa Alert Level 2 ang estado ng Taal bagamat naging tahimik ito sa nakalipas na isang linggo.