Baste Duterte, inaming personal na desisyon ang paghain ng kandidatura

Davao City – Inamin ni Presidential son Sebastian “Baste” Duterte na personal na desisyon nito ang tumakbo bilang bise-alkalde ng Davao City.

Ngunit sinabi naman ni Baste na isa sa mga nagpatibay sa kanyang desisyon ay ang pag-uusap nila ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tanging payo na lamang ng Pangulo sa kanya ay ang pagbutihin ang kanyang trabaho sakaling manalo sa darating na halalan.

Samantala, wala pa umano siyang inaasahan mula sa kanyang sarili lalo na’t wala pa siyang karanasan sa public service.

Sinabi naman nito na pagbubutihin niya ang kanyang responsibilidad sa tulong ng mga Dabawenyo at ng kanyang pamilya.

Si Baste ay naghain ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) Davao kasama ang kapatid na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.  | ulat ni Sheila Lisondra